PHILIPPINE HERBS AND supplements Research database

32,8,0,50,1
600,600,60,1,5000,1000,25,2000
100,300,1,70,12,30,50,1,70,12,1,50,1,1,1,5000
Monographs & Advisories
Data bank
Books & Reviews
Research Tools
herbs.ph
Plant name Ampalaya
Siyentipikong pangalan Momordica charantia
Karaniwang pangalan Amargoso, ampalaya, apalya, bitter gourd, bitter melon, margoso, paliya, palya, parya
Gamit na may endorso ng Department of Health (DOH) Diabetes
KAILANGAN NG PAGSUBAYBAY NG MANGGAGAMOT.
Magpakonsulta sa health center para alamin ang karamdaman, at ang paggamot sa diabetes kabilang na ang paggamit ng dahon ng ampalaya (Makiling variety) bilang tulong sa pagkontrol ng lebel ng blood sugar. Maaaring ipayo ng manggagamot ang pagkain ng 1 tasa ng talbos ng ampalaya 2 beses sa maghapon (bilang salad, binanlian ng mainit na tubig, pinasingawan, o sangkap sa ulam). O maaari ring ipayo ng manggagamot na magpakulo ng 1 baso (2 tasa) ng talbos sa 2 baso ng tubig hanggang mangalahati ang tubig (mga 15 minutong pagpapakulo), at inumin ang 1/3 na baso ng pinagpakuluan 3 beses sa maghapon (30 minuto bago kumain). >Sundin ang payo ng doktor sa paggamit ng gamot sa diabetes, sa pagdidiyeta, at sa pag-eehersisyo.
Iwasan ang matatamis na pagkain; gayundin ang maaalat at mamantika. >Kumain ng sapat na gulay na mayaman sa fiber (katulad ng okra, malunggay, kangkong, at marami pang iba pa).

Iba pang gamit na kapakipakinabang Pag-iwas sa sakit
Upang mabawasan ang tsansa na magkaroon ng alta presyon, sakit sa puso, diabetes, ilang klase ng kanser, at iba pang sakit, ugaliin ang pagkain ng sapat at sarisaring prutas at gulay, gayundin ng mga buto (beans, grains, nuts), at lamang ugat (root crops) araw-araw.
Maging gawi ang malusog na pamumuhay (healthy lifestyle) katulad ng pag-eehersisyo, pagtulog nang sapat, paglilibang upang mabawasan ang stress, hindi paninigarilyo, at iba pa.

Pagtitibi
Bilang lunas sa pagtitibi at upang maiwasan ang pagtitibi, ugaliing kumain ng talbos at bunga ng ampalaya at ng ibang gulay, prutas, buto, at lamang ugat na mayaman sa fiber.
Ugaliin din ang pag-inom ng 8 – 12 baso ng tubig at pag-eehersisyo nang 30 minuto o higit pa araw-araw.
Gamit sa tradisyonal o katutubong panggagamot MAAARING MAKATULONG
Ang pagkain ng ensaladang bunga ng ampalaya bilang pampagana.

KAILANGAN PA NG PANANALIKSIK
Ang paggamit ng buto o dahon para sa bulate.
Ang pagpapahid ng katas ng dinikdik na dahon para sa sugat.
Ang paggamit bilang pampasuka
Ang pag-inom ng katas ng bunga o dahon para sa sipon o ubo.

HINDI REKOMENDADO DAHIL SA POSIBLENG PANGANIB
Ang paggamit ng buto bilang 'pamparegla’.
Popular na gamit  
Gamit bilang pagkain Ang dahon ay mayaman sa iron, calcium, at vitamin A (betacarotene); may katamtamang vitamin B at vitamin C. Ang bunga ay may katamtamang vitamin C at fiber.
Ibang gamit  
Saan matatagpuan at paano itinatanim Itinatanim sa mga bukid, garden sa paaralan, at sa bakuran. Buto ang gamit na pananim. Maraming variety ang ampalaya. Ang Makiling variety ang pinag-aralan bilang pantulong sa pagkontrol ng lebel ng blood sugar.
Dagdag na impormasyon Para sa may diabetes, bahagi ng tradisyonal na paggagamot ng mga Tsino, ang pagkain ng mga bungang gulay tulad ng kundol, patola, upo, kalabasa, ampalaya, pipino, at sayote; at mga butong gulay tulad ng sigarilyas, sitaw, bataw, patani, kadyos, munggo, at utaw.
Pinagsanggunian ASEAN 2014; BFAD 2005; Dayrit 2014; FNRI 1997; Galvez Tan 2014; PITAHC Undated; Quisumbing 1978; TKDL 2015; WHO 2009