PHILIPPINE HERBS AND supplements Research database

32,8,0,50,1
600,600,60,1,5000,1000,25,2000
100,300,1,70,12,30,50,1,70,12,1,50,1,1,1,5000
Monographs & Advisories
Data bank
Books & Reviews
Research Tools
herbs.ph
Plant nameBayabas
Siyentipikong pangalanPsidium guajava
Karaniwang pangalanBagabas, bayaba, bayabas, bayawas, biyabas, guava, guyabas

Gamit na may endorso ng Department of Health (DOH)Galis o sugat na may nana
Magpakulo ng 1 o 2 dakot ng talbos ng bayabas sa maliit na palayok ng tubig.
Ipanlanggas ang maligamgam nang pinagpakuluan. Gawin ito 2 beses sa maghapon hanggang mabahaw ang galis.
Magpakonsulta sa health center kung walang pagbabago, kung magkalagnat, o kung may pamumula ang paligid ng galis.

Iba pang gamit na kapakipakinabangPag-iwas sa sakit
Upang mabawasan ang tsansa na magkaroon ng alta presyon, sakit sa puso, diabetes, ilang klase ng kanser, at iba pang sakit, ugaliin ang pagkain ng sapat at sarisaring prutas at gulay, gayundin ng mga buto (beans, grains, nuts), at lamang ugat (root crops) araw-araw.
Maging gawi ang malusog na pamumuhay (healthy lifestyle) katulad ng pag-eehersisyo, pagtulog nang sapat, paglilibang upang mabawasan ang stress, hindi paninigarilyo, at iba pa.

Magang gilagid
Magpakulo ng isang dakot ng talbos sa maliit na palayok ng tubig.
Ipangmumog ang maligamgam nang pinagpakuluan. Gawin ito 2 beses sa maghapon hanggang humusay na ang karamdaman.
Magpakonsulta sa health center kung walang pagbabago o kung magkalagnat.

Panghugas sa puerta ng bagong nanganak
Magpakulo ng isang dakot ng talbos sa maliit na palayok ng tubig. >Ipanghugas ang maligamgam nang pinagpakuluan.

Pampaligo o para sa pangangati
Magpakulo ng sapat na talbos sa palayok ng tubig.
Ipampaligo ang maligamgam nang pinagpakuluan.

Hilo
Maglamukos ng sariwang talbos at ipalanghap sa nahihilo.
Magpakonsulta sa health center kung hindi nababawasan ang pagkahilo.

Gamit sa tradisyonal o katutubong panggagamotMAAARING MAKATULONG
Ang pagnguya ng 2 o 3 sariwang talbos para sa sakit ng ngipin. (Pangalagaan ang ngipin: Magsepilyo matapos kumain; iwasan ang kendi at ibang matamis; magpatingin sa dentista tuwing ika-6 na buwan).
Ang pag-inom ng pinagpakuluan ng talbos para sa sakit ng tiyan. O ang paglunok ng katas ng nginuyang 3 talbos.
Ang pagmumumog ng pinagpakuluan ng dahon para sa singaw.

KAILANGAN PA NG PANANALIKSIK
Ang pag-inom ng pinagbabaran ng bunga para sa diabetes.
Ang pag-inom ng pinagpakuluan ng talbos para sa ulcer.
Ang pag-inom ng pinagpakuluan ng talbos para sa pagtatae (dahil sa mikrobyong rotavirus).
Ang paglulon ng katas ng nginuyang talbos ng bayabas para sa pagtatae. (Ayon sa ASEAN: para sa matanda, nguyain ang 3 sariwang talbos at lunukin ang katas nito. May side effect na pagtitibi sa ilang pasyente, kung matagal ang paggamit).

Popular na gamit
Gamit bilang pagkainAng hinog na sariwang bunga ng bayabas ay napakayaman sa vitamin C; may katamtamang iron at fiber. Ang dahon ay napakayaman sa vitamin C at vitamin A (betacarotene); mayaman sa iron, calcium, at fiber. (Ang vitamin C ay mahalaga upang mas higit na mapakinabangan ng katawan ang sustansiyang iron na nasa mga gulay. Ugaliing kumain tuwina ng sariwang prutas).
Ang hinog na bunga ay gamit sa pagluluto ng sinigang. Ginagawa rin itong jam at jelly.
Ibang gamitPanlinis ng ngipin. Ang maliit na sanga (kasinlaki ng toothpick) ay nginangata sa isang dulo at ginagamit na panlinis sa pagitan ng ngipin matapos kumain.
Reforestation tree. Bagay na itanim sa tuyo at mabatong lupa.
Saan matatagpuan at paano itinatanimMatatagpuan sa halos lahat ng lugar sa Pilipinas. Tumutubo mula sa buto na ikinalat ng mga ibon na kumain ng bayabas; maaari ring itanim ang punla mula sa budding, layering, o marcotting.

Dagdag na impormasyonAng paggamit ng dahon ng bayabas ay naging popular na lunas noong dekada 70 sa para sa pagtatae sa preparasyong ABKD decoction (magkakasamang pinakuluang dahon ng abukado, bayabas, kaymito, at duhat). Sa pagtatae, ating mas binibigyan ng pansin ang panggagamot sa rehydration (pagpalit ng nawalang tubig at sustansiya sa katawan) sa pamamagitan ng pag-inom ng Oresol, sabaw, fruit juice, am, at tubig.

PinagsanggunianASEAN 2014; BFAD 2005; Cortes-Maramba 1981; Dayrit 2014; FNRI 1997; Galvez Tan 2014; PITAHC Undated; Quisumbing 1978; TKDL 2015; WHO 2009.