PHILIPPINE HERBS AND supplements Research database

32,8,0,50,1
600,600,60,1,5000,1000,25,2000
100,300,1,70,12,30,50,1,70,12,1,50,1,1,1,5000
Monographs & Advisories
Data bank
Books & Reviews
Research Tools
herbs.ph
Plant nameIpil ipil
Siyentipikong pangalanLeucaena leucocephala/ Leucaena glauca
Karaniwang pangalanAgho, ipil-ipil, kariskis, kompokompitis, san pedro , santa elena
Gamit na may endorso ng Department of Health (DOH)
Iba pang gamit na kapakipakinabangBulate
Magpulbos ng sinangang na tuyo at magulang na buto.
Dami ng pinulbos na buto ayon sa edad:
Edad Dami ng pinulbos na buto
Matanda 1 kutsarita
10-12 taon ½ kutasarita
7-9 taon ¼ kutasarita

Lunukin ang pinulbos na buto 2 oras matapos kumain ng hapunan. Maaaring sabayan ng tubig.
Sa ilang gumamit, maaaring makaranas ng side effect tulad ng sakit ng tiyan o pagtatae.
Gamit sa tradisyonal o katutubong panggagamot
Popular na gamit
Gamit bilang pagkainAng talbos at murang bunga ng ipil-ipil ay kinakain ng mga taga Thailand. Ang magulang na buto ay sinasangag at ginagamit na pamalit sa kape.

Ibang gamitPagkain ng hayop. Ginagamit na pagkain ng hayop ang dahon dahil sa protina nito subalit hindi dapat labis ang pagpapakain nito; maaaring maging sanhi ng pagkalugas ng balahibo o ng hindi panganganak ng hayop.
Tulong sa environment. Gamit sa reforestation at bilang proteksiyon sa pagguho ng lupa o upang hindi dumami ang kogon.
Pampataba ng lupa.
Panggatong.
Handicraft. Ang buto ay tinutuhog para gawing bag at iba pa.
Saan matatagpuan at paano itinatanimMatatagpuan sa mga tabing ilog, tabing daan, parang, lupang tiwangwang, at sukal. Itinatanim sa mga tabing bahay bilang bakod at sa mga dalisdis bilang proteksiyon sa pagguho ng lupa. Buto ang gamit na pananim.
Dagdag na impormasyonAng pagkain ng labis na ipil-ipil ay sanhi ng pagkalugas ng balahibo sa kabayo at ibang hayop; gayundin sa pagbawas sa fertility (kakayahang magparami).
PinagsanggunianASEAN 2014; BFAD 2005; Cortes-Maramba 1981; Dayrit 2016; Galvez Tan 2014; PITAHC Undated; Quisumbing 1978.