PHILIPPINE HERBS AND supplements Research database

32,8,0,50,1
600,600,60,1,5000,1000,25,2000
100,300,1,70,12,30,50,1,70,12,1,50,1,1,1,5000
Monographs & Advisories
Data bank
Books & Reviews
Research Tools
herbs.ph
Plant nameLagundi
Siyentipikong pangalanVitex negundo
Karaniwang pangalanDangla, five-leaved chaste tree, lagundi, tugas
Gamit na may endorso ng Department of Health (DOH)Ubo
Pakuluan ang ginayat na sariwang dahon ng lagundi sa palayok na may 2 baso ng tubig hanggang mangalahati ang tubig. Hayaang walang takip ang palayok kung kumukulo na.
Dami ng dahon ayon sa edad ng pasyente:
Edad Dami ng ginayat na dahon
2-6 taon 1 ½ kutsara
7-12 taon 3 kutsara
13 taon o higit pa 6 na kutsara
Palamigin at salain.
Hatiin ang pinagpakuluan sa 3 bahagi. Uminom ng 1 bahagi 3 beses sa maghapon.
Iba pang gamit na kapakipakinabangPampaligo sa bagong panganak
Magpakulo ng sapat na dami ng sariwang dahon sa isang palayok ng tubig.
Ipampaligo sa bagong panganak kung maligamgam na.

Gamit sa tradisyonal o katutubong panggagamotMAAARING MAKATULONG
Ang paglalanggas ng pinagpakuluan ng dahon para sa galis.

KAILANGAN PA NG PANANALIKSIK
Ang paggamit ng dahon bilang pampagatas.

Popular na gamit
Gamit bilang pagkain
Ibang gamit
Saan matatagpuan at paano itinatanimAng lagundi ay katutubong halaman ng Pilipinas. Itinatanim sa mga bakuran bilang halamang gamot. Matatagpuan din sa mga lupang tiwangwang. Magulang na sanga ang gamit na pananim; tumutubo rin ang buto.
Dagdag na impormasyonAng tugas ay karaniwang pangalan sa salitang Bisaya ng molave, subalit sa ibang lugar, ang tugas ay ginagamit na pangalan din para sa lagundi, dahil magkahawig ang mga dahon ng lagundi at molave. Sila ay nabibilang sa isang angkan ng halaman; Vitex negundo ang siyentipikong pangalan ng lagundi at Vitex parviflora naman ang sa molave.

Ang lagunding dagat (Vitex triflora) ay naiipagkamali naman sa lagundi (Vitex negundo). Ang lagundi ay may 5 leaflet, samantalang 3 ang leaflet ng lagunding dagat. Siguraduhin na ang tamang lagundi (may 5 leaflet) ang gagamitin.

Maraming lugar sa Pilipinas ang may pangalan na Lagundi o Lagundian.

PinagsanggunianCortes-Maramba 1981; Dayit 2014; Galvez Tan 2014; PITAHC Undated; Quisumbing 1978; TKDL 2015.